Thursday, August 6, 2015



SINO NGA BA ANG MAYABANG?
MAY KAKILALA KA BANG MAYABANG?
O IKAW ANG MAYABANG?
.....
Ako, marami akong kakilalang mayabang,...
Simulan natin sa loob ng paaralan, .
Isang batang mayabang ang aking kamag aral. 
Talaga matabang sya, akala mo kung sino perket paborito ni mam..
Gusto niya palagi siya leader, sa groupings 
Nga namin gusto niya sya ang palagi mamuno, 
Suggest ng suggest, turo ng turo kung anu ang mga dapat at hindi dapat gawin, 
Hindi nga niya pinapakinggan ang aming mga 
Ka grupo, 
Pag sa recitation nag kamali lang yung isang klasmeyt ko aba kung makatawa abot langit
.. kung makapanlait sa kamag aral akala mo walang bahid na kadumihan sa katawan...
Hainaku, bakit ko ba sya naging klasmeyt....
..
Teka may naaalala pa ako isang mayang...
Nakatabi ko sa jeep nung pauwi na kami, 
Dalawa sila mag kaibigan kung mag kwentuhan akala mo sila lang ang nakasakay sa jeep,..
Sa sobrang lakas ng yabangan nila muntik na ko mapapara at mapababa ng wala pa sa oras..
Hindi sa tsismosa ako pero share ko sa inyo..
Etong si lalake1 at si lalake2 nag papayabangan sa mga gadget nila,
Lalake1: pre nung isang araw si mommy nag padala ng xbox yung latest, grabe ingat na ingat ako laruin, nung isang araw na peste ako sa katulong namen, pinunasan niya kase nag lilinis sya ayun pinagmumura ko, nakakainis kase sabi ko wag na wag niya hahawakan o gagalawin, yung matandang yun talaga ang panget na nga pakelamera pa, dapat paalisin na ni daddy yun eh, bwiset.....
Lalake2:   ganun ang hard mo naman pare 
Hahahahhaa... dapat dun sinisipa, oo nga pare ang panget nga ng matandang yun bakit ba kase yun yung kinuha ninyo???
Lalake1: ewan ko ba kay dad..
Lalake2: papakita ko pala sau yung iphone 5 na regalo sakin ni ate, 
Lalake1: nako wag dito maraming magnanakaw... 
..... 
Cut.... bumaba na din sila... haist..
 Kung pwede lang picturan muka nila matatawa kau...
.
.... teka bukod sa mga yun may kakilala pa akong mayabang...
Sa office...
Ewan ko ba... nung isang bwan na promote sya isa na syang supervisor ngayon,
Sabay lang naman kami nag aplay nung isang taon.
Oo magaling sya, kasundo ko nga sya dahil. Syempre magka batch lang kami, pero bigla na lang sya nag bago,
Palagi na sya nag uutos, may mga bago kaming employee, napansin ko ang kilay niya mas naging mataas na, maya maya utos sya, at konting pagkakamali lang sigaw na agad ang ganti niya. Minsan nga kinausap ko sya kung bakit bigla syang nag bago.. sabi niya dapat lang mag bago sya para matuto daw yung mga bagong employee, sabi pa niya "naku hindi matututo mga yan kung lalambingin m0, dapat dyan siniaigawan kase diba tayo din dati grabe sigawan ng mga dating supervissor"
... marami akong nakitang pagbabago sa kanya, mabilis na sya mairita, nag tawanan lang yung mga employee na bago agad niya itong nilapitan at pinagsabihan..
Gusto niya perfect lahat ng isusubmit sa kanyang report, xempre tama lang naman na perfect kase kapag hindi sya ang malalagot, yun nga lang. Kapag hindi niya nagustuhan yung report ipapahiya niya na agad yung tao at makakatanggap na malutong na "ang tanga tanga mo naman!!!"
...
Ganun ba talaga ang tao?
Nakaangat lang
Akala mo syana ang tama sya na ang perpekto???
Mala-diyos kung umasta?
Nakamit lang ang pinapangarap na position sa trabaho piling niya sya na ang reyna o hari...
??? Bakit ganun??
Sa lahat ng oras... sa lahat ng sitwasyon
May mga taong MAYABANG?
MAYABANG SA PAGSASALITA,
MAYABANG SA PANANAMIT,
MAYABANG SA POSITION?
HINDI BA NILA ALAM NA BAGO SILA naging
MAGALING ay naging tanga at bobo din sila muna?
..
Mensahe para sa taong MAYABANG:
"Oo narating mo ang posisyong yan, oo mas mataas ka sa amin, oo. Mas malakas ka sa boss natin,
Oo magaling ka kuno sa amin, pero hindi ka reyna o hari para ipamuka sa amin ang posisyon mo, pare pareho tayong tao, kaya umasta kang tao at hindi isang
Buhaya na nag papalaki ng tyan sa upuan,
Hindi ka isang unggoy na sabit ng sabit sa puno para hindi ka mahulog sa posisyon mo,,..
Hindi ka isang manok na tilaok ng tilaok makapag utos lang sa iba,
Alam mo nakakabwiset ka!!! Ang yabang mo!!!.
Wala kang karapatan tapakan ang ibang tao, hindi ka perpekto kaya umasta kang tao!
Oo nasa posisyon ka pero tandaan mo babagsak ka din dahil sa malansa mong ugali, humahalimuyak sa baho..."
.
Teka hindi ako galit ah...
Kase nakakainis lang
Talaga makakit, makatagpo,makasama ang taong MAYABANG....
HAIST....
IKAW MAY KAKILALA KADIN BANG TULAD NILA?
SANA HINDI ikaw yun....
Comment below :)